Category: Kasanayan at Kabuhayan


4x10_SagipBahay_2pcs

SM Taytay

 

Mahigit sa 3,000 trabaho ang direkta at indirektang mapapakinabangan ng mga taga-Angono sa pagtatayo at kapag naging operational na ang giant retail business na SM Center sa Angono. 

 

Ito ang ulat ni Ms. Annie Garcia, presidente ng SM Super Malls, sa ground breaking ng nasabing establisyemento na ginanap noong Agosto 5.

Itatayo ang nasabing gusali sa dating lugar ng sabungan sa may Hi-way na sakop ng Barangay San Isidro na pinamumunuan ni Kapitan Joey Calderon.  Ayon sa kontratista, matatapos ito sa loob ng walong buwan.

sm-time-capsule

Ayon pa kay Ms. Garcia, ang paglalaan ng trabahong ito sa mga residente ang patunay sa ‘strong partnership’ ng kanilang kompanya at ng pamahalaang bayan.

Bukod sa pagbibigay ng trabaho, ayon pa kay Ms. Garcia, maglalaan din ng espasyo para sa mga artist at para sa mga pangkultura at pansining na gawain. Aniya, ito ang magiging ambag umano ng SM sa pagpapatampok at pagpapayabong sa mayaman ng kultura, sining at tradisyon ng bayang Angono na kilala sa bansa bilang ‘Art Capital of the Philippines.’

531833_499147733506370_472981699_n

At dahil pangangalaga sa kalikasan ang isa din sa pangunahing prioridad ni Mayor Gerry, magtatayo ng 1, 600 cubic mater-rainwater holding facility ang SM Center Angono upang maiwasan ang baha sa bayan, paliwanag ni Ms. Garcia.

Sa kanya namang mensahe, ipinaliwanag ni Rizal 1st District Congressman Joel Roy Duavit na mapalad na napiling itayo sa Angono ang SM Center dahil na rin ang layunin ng SM Center ay halos angkop at katulad sa mga proyekto at gawain ni Mayor Gerry.

Pabiro ngunit may halong katotohanan ding binanggit ni Cong. Joe ang mensahe para sa aktres na si Ruffa Gutierrez: na magkakaroon na ng ‘Starbucks’ sa Angono.

Matatandaan na limang taon na ang nakakaraan, sa pelikulang ‘Working Girls’ na isa sa mga bida si Ruffa, naging bukambibig ang Angono dahil sa kanyang isang linya.

Sa isang eksena sa nasabing pelikula, makikipagmiting umano si Ruffa sa Angono pero biglang katwiran at tutol ni Ruffa sa pagsasabing “Saan yun, meron bang Starbucks dun?”

Ang linyang ito ay tila isang pangmamaliit sa bayan ng Angono kung pagbabasehan ang kaunlaran nito.

Pero dahil sa SM Center na itatayo na ngayon, magkakaroon na ng nasabing sosyal na kapihan sa Angono.

‘Kung gusto mo, Mayor Gerry, imbitahan pa natin si Ruffa Gutierrez. Kaibigan natin yun,” wika ni Congressman Duavit sa punongbayan.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Gerry sa mga taga-SM Center dahil sa pagtitiwala nilang magnegosyo sa bayan ng Angono.

Ayon kay Mayor Gerry, malaki ang bahaging gagampanan ng nasabing establisyemento sa pagbibigay ng trabaho sa kanyang mga kababayan at pagtatampok sa bayan bilang ‘Art Capital of the Philippines’ at ‘Home of the Higante Festival.’

Ang ground breaking ay dinaluhan din ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan ng Angono, mga kapitan at kagawad sa iba’t ibang barangay, mga department heads, at lider ng mga non-government organizations at opisyales ng iba’t ibang subdibisyon sa bayan ng Angono.

 

Ulat at Litrato ni Richard Gappi

SOLO PARENT KA BA? PALISTA NA!

SOLO PARENT KA BA? PALISTA NA!

SOLO PARENT KA BA! PALISTA NA! (Alamin ang iyong karapatan at benepisyo mula sa gobyerno bilang isang SOLO PARENT).

SOLO PARENT KA BA?

1. Magpalista gamit ang Solo Parent Survey Form na makukuha sa inyong barangay
2. Pumunta sa Municipal Gym sa April 13(Sabado), 8:00am – 12:00nn para sa:
• Orientation tungkol sa Solo Parent Act
• Application sa Solo Parent Card
• Job application
• Libreng legal consultation
• Libreng counseling
• Libreng beauty makeover

Sino ang SOLO PARENT?
Ayon sa RA 8972, sila ay ang mga sumusunod:

1. MAY ANAK na edad 18 pababa;
2. MAG-ISA na nagtataguyod sa buhay ng pamilya – sa lahat ng pangangailangan ng bata. Ito ay maaring isa sa sumusunod:

a. Nanay o tatay na nasa kalinga nila ang kanilang anak na isa sa mga sumusunod:
• Byudo / byuda (may death certificate)
• Hiwalay sa asawa ng higit na sa 1 taon
(may legal separation, annulment o iba pang dokumentong magpapatunay ng kalagayan)
• Iniwan ng asawa ng higit na sa 1 taon
• Nakakulong ang asawa dahil sa krimen ng higit sa 1 taon
• Walang asawa pero may anak
• Ang asawa ay walang kakayahang maghanapbuhay dahil sa malubhang karamdaman (physical or mental incapacity)
• Biktima ng karahasan (i.e. rape, incest) na nagdulot ng pagkakaroon ng anak na kanyang mag-isang itinataguyod

b. Iba pang miyembro ng pamilya (lolo, lola, tita, tito, kapatid, etc.) na mapapatunayang MAG-ISA na nagtataguyod hinggil sa pananalapi at personal na pag-aaruga sa bata dahilan sa pagkamatay o pag-abandona ng mga magulang o solo parent.

Luisita Santiago Vestra/MSWD

Mayor Gerry Calderon identified the construction of Angono’s Eco-Park and cheaper cost of dredging the Angono River as two of his most significant projects.

Photo shows some of Mayor Gerry’s current and future projects involving physical rehabilitation of Angono, Rizal.

 In a report during the Peace and Order Council recently, Mayor Gerry noted that the former garbage transfer station area has been developed and actually gained recognition.
Earlier, a United Nations Organization watchdog commended the Municipality of Angono, Rizal for its remarkable steps in achieving the UN Millennium Development Goals (MDGs) in terms of environmental sustainability.
The MDG Achievement Fund cited Angono for its admiring waste management program and for constructing the Angono Eco-Park, which consists of segregation area, dog pound, transfer station area and canal.
The MDG Achievement Fund is an international cooperation mechanism whose aim is to accelerate progress on the MDGs worldwide. It was established in December 2006 and supports national governments, local authorities and citizen organizations in their efforts to tackle poverty and inequality.
The award, signed by UN Resident Dr. Jacqui Badcock and League of Municipalities president Strike Revilla, was received by Mayor Gerry Calderon on February 10 at the University of the Philippines.
Meanwhile, Mayor Gerry explained that dredging the Angono River was less expensive under his watch.
“The previous administration spent worth P1M for dredging 400 meters while in year 2011, we had dredged 4,000 meters amounting to P4M only. The saving was achieved because of the ‘bayad lupa scheme’ a private – public partnership,” Mayor Gerry said, quoting the report of the Engineering Office.
Mayor Gerry also emphasized the Techno-Demo Farm and Gulayan Bayan project in Mahabang Parang, which is part of his Upland Development Program or “Sagip-Bundok, Sagip-Buhay” campaign.
The project aims to protect and preserve the remaining vegetation in the upland area as well as stop building structures in areas both covered and uncovered by Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).The project is managed by Dr. Alejandro Medina, officer-in-charge of the Municipal Agriculture Office.

A component also of this project is disallowing further development of subdivisions.
Other major physical rehabilitation projects of Mayor Gerry include the operational Material Recovery Facilities (MRF) located at Sitio Labahan, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal and managed by former Councilor Danny de Guzman, renovation of the Lakeside Park,  and the construction of the “Malakas and Maganda” sculpture in front of the municipal building.
The MRF produces cement out of the recycled materials such as garbage and plastic, which were eventually given for free or sold lower than the existing price in the market.
The Lakeside Park, on the other hand,  is a favorite jogging and leisure area of many Angono residents, where the Angono scene at dusk is better than the Manila Bay sunset.
***
Report by Richard Gappi
Photo by Manda Icasiano

DepEd’s Bureau of Secondary Education awarded the Sining Pambansa Certificate to the students of ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts) who represented CALABARZON (Region 4A) that ranked 1st PLACE in the CLEAN-GREEN PROGRAM in line with the 2012 National Festival of Talents held last April 9-13, 2012 at Iloilo City.
Congratulations at Mabuhay ang mga Higanteng Anak ng Bayan ng Angono

Paanyaya mula sa Bagong Henerasyon (BH) Party-list, Antipolo Youth Alliance at Junior Chamber International (JCI) Cainta: Magkakaroon po tayo ng LIBRENG COMPUTER TRAINING na maguumpisa sa Mayo 21,2012 hanggang Hunyo 28, 2012, ito po ay iikot sa anim na barangay ng Antipolo, Rizal (Sta. Cruz, Dela Paz, Mayamot, Cupang, San Juan at San Roque). Para sa reservation o anumang katanungan, tumawag o mag-text lang sa mga numerong ito 09184477208/ 09396586683 / 09215202976 /

Ayon kay Atty. Karen Jimeno, malapit sa kanyang puso ang pagtuturo dahil guro din siya at binigyang diin ng kanyang magulang ang halaga ng edukasyon sa buhay ng isang tao kung kaya siya ay nagsikap sa buhay upang maging abugado. (Litrato ni Richard R. Gappi)

ANGONO, Rizal – Nagsilbing panauhing tagapagsalita si Atty. Karen Jimeno, spokesperson ng defense panel sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, sa ginanap na lecture caravan, Mayo 12, sa Angono Elementary School.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Atty. Jimeno ang mga guro sa kanilang taos-pusong serbisyo sa paghubog ng mga kabataang mag-aaral.
“Saludo po ako sa inyo. At, maraming-maraming salamat po sa ginagawa n’yo para sa bayan,” wika ni Atty. Jimeno sa humigit-kumulang na 300 gurong dumagsa sa nasabing aktibidad.
Ayon sa kanya, ang pagmamahal sa pagtuturo ay “malalim,” at inudyukan rin niya ang mga guro na ipagpatuloy ang kanilang masiglang pagganap sa kanilang propesyon.
Sinabi ni Jimeno na bilang isang kapwa guro, batid niya ang halagang ginagampanan ng bawat titser upang hubugin ang kanilang mga mag-aaral.
Dati siyang nagturo sa UP College of Law, maging sa mga kabataan sa Hospicio de San Jose.
Binanggit din ni Jimeno, na nag-aral rin sa Harvard University, na sa darating na school year ay babalik siya sa pagtuturo. Plano ni Atty. Jimeno na magturo ng Law sa San Beda at sa Centro Escolar University law schools.
Ang kanyang talumpati ay bahagi ng lecture caravan na may temang “Sharing Best Teaching Practices” na sama-samang itinaguyod ng Metrobank Foundation Network of Outstanding Teachers (MBFI-NOTED),DepEd-Rizal, Municipality of Angono sa pangunguna ni Mayor Gerardo Calderon, at Angono Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Patnubay Tiamson.
Kabilang din sa mga nagsilbing punong-abala si UP Professor Emeritus Ligaya Tiamson-Rubin na isang kilalang guro at awtor ng maraming mga aklat ng tula, kultura, at kasaysayan, partikular ng bayan ng Angono.

At least 300 teachers from various schools in Angono and province of Rizal are present in the on-going seminar which aims to share best teaching practices. (Photos by Richard R. Gappi)

Rise and shine, mga KAPAMILYA! HAPPY TRABAHO na! AKO ANG SIMULA JOB FAIR!

Friday, Feb 17 at Saturday, Feb 18 sa Quezon City Hall Plaza mula 9 AM hanggang 5 PM!

Dalhin ang mga sumusunod: 
1. BIO-DATA or Resume
2. 2×2 ID PICTURES
3. BALLPEN
4. POLICE/NBI CLEARANCE (PHOTOCOPY & ORIGINAL)

PAUNAWA: 

1. Ito po’y LOCAL EMPLOYMENT lamang at walang overseas employment. 
2. Maari po lamang na dumating sa tamang kasuotan. Bawal ang naka-tsinelas, naka-sando at naka-shorts.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,245 other followers

%d bloggers like this: