Natapos noong Hulyo 8, 2011, ang Computer School-On-Wheels, na pinangangasiwaan ng Community Training and Livelihood Office (CTLO) at ng Bagong Henerasyon Partylist.

Ayon kay CTLO coordinator  Ben Fernandez, may humigit-kumulang 500 kabataan ang nag-enroll sa nasabing training. Mag-aaral sila ng basic computer skills at ng computer technician.

Ang 40-foot container van na may lulang 15 sets ng computers ay pumarada sa  plaza ng munisipyo ng Angono at dito ay idinaos ang pag-aaral .

Ang mga kursong itinuro ay ang Basic Computer Literacy (Word+Excel+Powerpoint) at Basic Computer Technician. Libre ang mga nasabing kurso at TESDA-accredited ang mga nagtuturo dito.

Ipagpapatuloy ng CTLO ang ganitong programa kahit na matapos na ang anim na linggo na pananatili ng computer truck sa Angono, at gawin ang mga susunod na pagsasanay sa Angono Training Center sa Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal.

Ito ay alinsunod na rin sa programa ni Mayor Gerry Calderon na pag-aralin at maturuan ang lahat ng mga bata sa Angono na maging computer-literate.

Ang Computer Education ay pinamumunuan ni Manda Icasiano na siyang Team Leader sa Special Projects Team ng CTLO sa IT-Education Team.

Ginanap ang graduation ceremony ng mga mag-aaral  sa Computer School On Wheels noong  July 22, 2011 at mayroong 420 na  enrollees ang nagsipagtapos at nakatanggap ng Sertipiko ng Pagtatapos.