Operational na ang lying-in clinic na nasa Barangay Mahabang Parang, Angono, Rizal. Ito ang ulat ni Mayor Gerry Calderon sa kanyang mensahe sa flag raising noong Oktubre 3, 2011.

Sa pamamagitan ng nasabing clinic, pwede nang manganak dito ang mga nanay sa halagang P10,000 at hindi na kailangan nilang pumunta pa sa mga ospital sa Antipolo kung saan nagbabayad sila ng P40, 000 kung sesaryan para manganak. Sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Jose A. Lozo, 24 hours ang operation nito, wika Mayor Gerry. Iniulat din ni Mayor Gerry na sa kalaunan ay magsasagawa na rin ng minor surgical operation sa Municipal Health Center.

Sa ngayon, ang lying-in clinic na ito ay nagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng “normal delivery’ lamang.

(Richard R. Gappi / Manda Icasiano)