Malaking tulong sa bayan ng Angono ang ibinigay ni Cong. Joe Duavit na P5 milyon para sa pagpapagawa ng riprap sa Angono River. Dahil sa nasabing halaga, nalagyan ng dike at napatibay ang isang kilometrong side ng ilog sa bahagi ng Wawa, Poblacion Ibaba at Baragay San Vicente. Kaya naman nitong nagdaang bagyo sa bayan ng Angono at lalawigan ng Rizal, naging ligtas ang mga komunidad na nasabing lugar. Bukod sa hindi umapaw ang ilog at naiwasan ang pagguho sa mga dike, naging madulas at maayos din ang pagdaloyn g tubig sa ilog hanggang sa bunganga ng Lawa ng Laguna. Matatandaan na isa it sa mga priority project ni Mayor Gerry Calderon upang maiwasan ang pagbaha laluna sa mga lugar na malapit sa ilog. Bukod sa riprap, hinukay din ang bunganga ng Angono River upang ito ay lumalim at huwag mabarahan ang daloy ng tubig. Nagpasalamat naman si Mayor Gerry kay Cong. Duavit dahil sa patuloy niyang pagtulong at pagsiguro sa kaligtasan ng mamamayan ng Angono. “Mapalad tayo dahil mayroon tayong Cong. Joe Duavit na laging handang pakinggan ang ating kahilingan para sa ikabubuti ng mamamayan,” wika ni Mayor Gerry.