Matagumpay na naidaos ng pamahalaang bayan, sa pangunguna ng Human Resource Management Office, ang 10th annual Angono Municipal Employees Bowling Tournament noong Dec. 9.
Labindalawang (12) koponan ang lumahok at igrinupo sila sa tatlong klase.
Sa Class A, champion ang Human Resource Office/Angono Public Market. Pumangalawa ang Assessor/BPLO, at pumangatlo at pang-apat naman ang Engineering/Budget at Treasurer’s Office.
Sa Class B, champion ang MTFRO/CSU/KKK. Pangalawa ang Mayor’s Office, pangatlo ang Mayor’s Extension Office, at pang-apat ang Association of Barangay Captain-West.
Sa Class C, champion ang Health Office, pangalawa ang SB/Accounting, pangatlo ang GSO/Comelec at pang-apat ang ABC-East.
Ang High Team Single at High Team Triple ay nakopo naman Engineering/Budget Team.
Ang tournament ay pinangasiwaan ng HR Office sa pangangasiwa ni Ms. Lina Intalan at buong sigla namang sinuportahan ni Mayor Gerry Calderon.
Layunin ng tournament na palakasin at pahigpitin ang samahan at pagkakaibigan ng mga empleyado sa munisipyo.
Iaaward ang premyo sa susunod na taon. (Richard R. Gappi)