Bibisita dito sa bayan ng Angono  ang humigit kumulang sa 80 opisyal at myembro ng Sangguniang Kabataan sa kamaynilaan.  Sila ay darating sa ika-21 ng Enero, 9:00 ng umaga, upang saksihan at mag-aral tungkol sa “Solid Waste Management” na kasalukuyang iniimplimenta at pinaghuhusayan dito sa ating bayan.

Ang nasabing grupo ay iikut sa iba’t-ibang lugar sa Angono, tulad sa MRF (Materials Recovery Facilities), sa bagong “Eco-Park” at iba pang lugar sa ating bayan.   Pag-aaralan ng mga bibisitang SK Federation ang sistema at paraan kung paano isinasagawa at epektibong ini-implementa dito sa Angono, sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon ang naturang proyekto.

Ito ay inanunsyo ni Allan Maniaol sa isinagawang municipal flag ceremony kaninang umaga, ika-16 ng Enero, taong kasalukuyan.

ADN Online/Manda Icasiano