Pormal na binuksan noong Jan. 23 ang pagdiriwang ng National Bible Week sa Angono Municipal Gymnasium sa pamamagitan Rizal Bible Arts Festival na dinaluhan ni Rizal First Lady Andrea Ynares na nagrerpresent kay Gov. jun Ynares.

Sinalubong nina Mayor Gerry Calderon at dating konsehal Loel "Dong" Malonzo (foreground) si Rizal First Lady Andrea Ynares, ang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Rizal Bible Art Festival na ginanap sa Angono Municipal Gymnasium.

Tampok sa eksibit ang iba’t ibang artworks ng mga taga-Rizal na pumapaksa sa kahalagahan ng Bibliya. Kabilang sa mga dumalo sina Mayor Gerry Calderon, Konsehal Ginoclem Miranda, dating konsehal Loel “Dong” Malonzo at si Pastor Joe Tacadena na isa sa mga organizer ng nasabing art event.

____

Source: Rizal News Online / Richard Gappi