Bilang pagbibigay pugay sa ating mga Senior Citizens, pinangunahan ni Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon ang kanilang General Assembly na isinagawa noong December 29, 2011 sa Angono Gymnasium.  Ito ay dinaluhan ng mahigit sa 1,200 na myembro ng Angono Federation of Senior Citizens’ Assn. (AFOSCA).  Nagsilbing “Christmas Party” na rin ang nasabing assembly sapagkat nagkaroon ng mga raffle draws kung saan animnapung (60) lolo at lola ang nagwagi sa mga papremyo.  Ang lahat ng pumunta sa naturang pagtitipon ay nag-uwi ng kanya-kanyang mga grocery items at iba pang gift packs.  Umuwing masaya ang lahat ng dumalo sa kanilang “get-together.”

Una rito, nagdaos din ng kanilang monthly meeting ang Rizal Federation of Senior Citizens’ Assn. (RIFOSCA) at ang Rizal League of OSCA Heads (RILOH) mula sa 14 na bayan sa lalawigan ng Rizal.  Ito ay ginanap sa Inang Bina’s Restaurant noong December 27, 2011 sa Angono, Rizal.

Samantala, dito sa Angono, ang OSCA ay nakapag-pamigay ng bagong OSCA Identificatin Cards (IDs) sa 65 na mga bagong myembro nito.  May 30 myembro nila ang nagkaroon ng Booklet Grocery at 121 na myembro naman sa Booklet Medicines, habang nakapag-bigay alalay at serbisyo din sila sa Lima (5) nilang kasamahang namatay na.   Ito ang kanilang iniulat noong buwan ng Disyembre taong 2011.

Ang kasalukuyang pangulo ng AFOSCA ay si Gng. Concepcion B. Hernandez, na siya ring OIC ng OSCA sa Angono. | Angono Dream News

Advertisements