Ginaganap ngayong araw na ito, ika-1 ng Marso, 2012, ang taunang medical mission ng isa sa pinakamalaking drugstore chain sa bansa.  Tinawag na “Oplan: Bigay Lunas,” inisponsoran ng Mercury Drug Foundation ang naturang medical mission na   inaasahang magbibigay ng libreng konsultasyong medical at mga gamot sa mga taga-Angono.  

Makikita sa larawan ang libreng gamot na ipinamimigay ng Mercury Drug Foundation para sa mga na-benipisyuhan ng kanilang Medical Mission sa Angono. (Litrato ni Patnubay Tiamson)

Naglaan ang nasabing programa ng 2,000 medical stubs na ipinamimigay sa mga indigent communities sa iba’t-ibang barangay sa Angono. Katuwang ang KKK Office (Kapayapaan, Katauhan, Kapaligiran) sa ilalim ng Mayor’s Office, upang tukuyin ang magiging mga benipisyaryo ng    medical mission.

Ang Mercury Drug Corporation ang nagdiriwang ng kanilang ika-67 taong anibersaryo, at ang Oplan:  Bigay Lunas ay muling isinagawa sa ika-14 ngayong taon.  Isa ang bayan ng Angono na muling napili ng Mercury Drug upang pagdausan ng nasabing programa. / Manda Icasiano

(MORE PHOTOS AT  http://www.facebook.com/media/set/?set=a.359804637387206.91706.144766688891003&type=3

Advertisements