Isa na namang tricycle driver na taga-Angono ang nagpamalas ng kabayanihan at katapatan sa kanyang mga pasahero.  Ito ay nang isauli niya ang isang mamahaling “I-phone” na naiwanan ng kanyang pasahero na isang balik-bayan.

 

Ang 35- taong gulang na si Alvin M. Sagrit ay bumibiyahe na pabalik sa kanyang pila sa BITODA nang mapansin niya ang isang            cellphone sa sulok ng kanyang tricycle.  Ito ay naiwanan ng kanyang huling inihated na  pasaherong  si  Gng.  Carpio,     isang balik- bayan  na mula pa sa Amerika.  Sa kagustuhang mapasalamatan ng lubos ang nasabing driver, lumapit si Gng. Carpio kay Mayor Gerry Calderon upang ipahanap ang tricycle driver na si Alvin at nang muling mapasalamatan, bago siya bumalik patungong Amerika.

Binigyan ng parangal si G. Alvin Sagrit kaninang umaga sa flag ceremony ng Angono bilang pagkilala sa kadakilaang ginawa nito kamakailan. Binasa at iniabot ni Manda Icasiano ng Public Information Office ang Certificate of Recognition, habang pinapalakpakan siya nina Kon. Gino Miranda at Kon. Bernie Guir na naging saksi sa nasabing parangal.

Ginawaran ng parangal si Alvin nitong ika-23  ng Abril bilang pagkilala sa kabayanihang ginawa nito.  / Manda Icasiano

Advertisements