Mainit na tinanggap ng mga taga-Angono si Atty. Karen Jimeno ngayong umaga upang magsalita sa isang seminar at mag-Sagala mamayang hapon dito sa bayan ng Angono.
Si Jimeno ay sinalubong nina Kon. Ginoclem Miranda, Og Gil, Bernie Guir, Tourism Officer Patnubay B. Tiamson, mga department head ng pamahalaang bayan, at UP emeritus professor Ligaya Tiamson-Rubin. Tumugtog din ang St. Clement Band.
Si Atty. Jimeno ay nasa Angono upang magsalita sa seminar ng mga guro na ginaganap ngayon sa Angono Elementary School at upang mag-Sagala sa Flores de Mayo mamayang hapon sa ganap na alas-4:00.
 (Richard R. Gappi)