Si Atty. Karen Jimeno sa Sagala/Santacruzan sa Angono

Nagningning ang ganda ni Atty. Karen Jimeno sa Santacruzan na nagpapatuloy pa ngayon dito sa Angono, Rizal, Mayo 12.

Si Jimeno, tagapagsalita ng defense panel ni Chief Justice Renato Corona sa impeachment sa Senado, ay isa sa mahigit 50 pares ng kababaihan at kalalakihan na lumahok sa tradisyong ito ng pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
Naging escort ni Atty. Jimeno si Justice Tiamson, na anak ni Angono Tourism Officer Patnubay B. Tiamson.
Sina Patnubay at Mayor Gerry Calderon ang nag-imbita kay Jimeno na tila katuparan ng sinasabing “beauty and brains” na paglalarawan sa isang babae. (Ulat at mga litrato ni Richard R. Gappi)

Escort ni Atty. Karen Jimeno si Justice Tiamson, anak ni Angono Tourism Officer Patnubay B. Tiamson.