Nina Richard R. Gappi at Precious T. Biraquit (OJT, Angono Public Information Office)

Bibigyan ng bayan ng Angono ng parangal at pagpapahalaga ang mining company na Batong Angono Aggregates Corporation dahil sa pagiging top taxpayer ngayong taon.

Kasama ng nasabing kumpanya na pararangalan din sa Agosto 19 sa programang pagdiriwang para sa ika-74 Taon ng Paglagda sa Pagsasarili ng Bayan ng Angono ay ang 19 pang business establishments.
Ayon sa Sangguniang Bayan, mahigit tatlumpung porsyento (30%) ng kita ng Pamahalaang Bayan ng Angono ay nagmumula sa mga business establishment.
Nararapat lamang pahalagahan ang nasabing mga kumpanya, ayon pa sa Sangguniang Bayan, dahil ang mga buwis nito ay malaking tulong sa pagtugon sa gastusin ng lokal na pamahalaan at nakakapagbigay ng trabaho sa mga taga-Angono.
“Kabahagi sila ng pamahalaan sa pagsusulong ng kaunlaran ng bayan,” wika ng Sangguniang Bayan.
Sa Top 20 taxpayers ngayong taon, walo dito ay nasa Barangay San Isidro, walo din sa Barangay San Pedro, tatlo ang nasa Barangay San Roque, at isa sa Barangay San Vicente.
Ang mga Top 20 taxpayers sa Angono ay ang mga sumusunod:
Batong Angono Aggregates Corp. (Don Mariano Santos Avenue, Barangay San Roque), Sanford Marketing Corporation (AB Central Building, Barangay San Pedro), PARCO Department Store and Supermarket (G/F Unishoppe Building, Barangay San Pedro), SON Relative Kindred Inc (Fuentes Bldg., M.L. Quezon Avenue, Barangay San Isidro), Mercury Drug Corporation-Angono Branch (M.L. Quezon Avenue, Barangay San Isidro)
Jollibee Foods Corporation (G/F Unishoppe, Barangay San Pedro), 7-Eleven (Raymundo Bldg., M.L. Quezon Avenue, Barangay San Pedro), RACE Ventures Inc. (8th Street San Martin Subdivision, Barangay San Isidro), Grocer E Supermarket (Col. Guido Street, Barangay San Roque), RAMA Garments Corporation (Don Justo Guido Street, Barangay San Pedro)
JCS Chemical Industries Inc. (Guido Ver Compound, Barangay San Roque), Creative Clothing Ventures (Carebi Subdivision, Barangay San Isidro), H & A International (St. Anthony, Carebi Subdivision, Barangay San Vicente),  XRC Resources Inc. (AB Central Building, Barangay San Pedro) RUSS Marketing Inc. (AB Central Building, Barangay San Pedro)
WATSONS Your Personal Store (AB Central Building, Barangay San Pedro), JMA Machinery Parts Supplier (Homepoint Village, Barangay San Isidro), EARL Metal and Plastic Parts Fabricators Inc. (Don Mariano Santos Avenue, Barangay San Isidro), AAA Antique Reproductions Inc. (M.L. Quezon Avenue, Barangay San Isidro) at Angono Medics Hospital (Rainbow Village, Barangay San Isidro).