Mandy Fernandez/BM, GMA News | August 6, 2012 3:12pm

Sen. Miriam Defensor Santiago

Naghain ng panukala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagbabawal sa mga retail establishment na gumamit ng plastic bag na isang beses lamang maaaring gamitin.

“This bill bans single-use, throw-away plastic bags, and creates incentives for the promotion and use of reusable bags,” ayon kay Santiago sa inihain niyang Senate Bill No. 3233.

“It is considered one of the most common forms of litter, pollution, and waste. Plastic bags do not just create visual pollution problems, they are also the cause of major flooding in urban areas since they clog canals, drainages, and waterways. As a common form of pollution, they have harmful effects on aquatic and terrestrial animals as they cannot be digested by such animals easily,” paliwanag ni Santiago.

Sa panukalang nais ipatupad ni Santiago, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng single-use, throw-away carry-out bags na gawa sa kahit anong materyal tulad ng plastic, papel at cornstarch, kabilang na ang mga green bags na binibenta ng mall-chain SM.

“Instead, it may provide the customer with areusable bag for a reasonable price; provided, the customer did not bring his or her own shopping bag. Such fee shall be determined by the Department in consultation with the Department of Trade and Industry (DTI). No store shall be a source of supply of a single-use, throw-away bag for a customer,” aniya.

Hindi naman kasali sa panukala ang packaging ng mga karne, isda, gulay, prutas, tinapay at iba pang parehong uri.

Sa ilalim ng Section 5 ng naturang panukala, nakatakda ang mga parusa sa mga lalabag. Ang mga ito ay:

Unang paglabag: Kinakailangang magbayad ng multa na P20,000.

Ikalawang paglabag: Kinakailangang magbayad ng P100,000 na multa at haharap sa anim na buwang suspensyon ng business permit.

Ikatlong paglabag: Kinakailangang magbayad ng P500,000 na multa at haharap sa isang taong suspensyon ng business permit. Kinakailangan ding dumalo sa dalawang araw na forum ang operator ng tindahan tungkol sa pagkalinga sa kalikasan, na pamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources at ng accredited pro-environment non-government na organisasyon.

“Continuous offense after the third offense shall cause the revocation of the store’s business license,” ayon sa panukala.

Samantala, mabibigyan naman ng tax incentives ang lahat ng tindahan sa tutupad sa panukala