Pinangunahan nina Rizal Gov. Jun Ynares at Mayor Gerry Calderon ang pagbibigay ng 320 family food packs at 1,600 cooked food packs sa mga evacuees na pansamantalang naninigilan sa Angono Municipal Gymanasium. Batay sa pinakasariwang report ni Angono DSWD in-charge Felino V. Perez kahapon, August 9, may 2, 327 pamilya o 10, 801 indibwal ang nasa 21 evacuation centers sa bayan ng Angono. (Source: Rizal News Online)