by Manda Icasiano

Isa na namang Filipina child singer na taga-Angono ang nagpamalas ng kanyang galing at bumirit ng pagkanta sa bansang Italy!

Si Camille Cabaltera, na may edad labindalawang taon gulang (12 yrs. old) ay matagal na nanirahan sa Venus Compound, sa bayan ng Angono.   Dito matatagpuan ang kanilang bahay kung saan din lumaki ang kanyang ina na si Gng. Me-Anne Miranda.

Si Camille ay kumanta sa isang sikat na programa sa Italy na “Ti lascio una Canzone” kasama ang isa sa pinaka-sikat na singer sa kanilang bansa na si Annalisa Minetti.  Inawit nila ang popular na kanta ni Celine Dione na “All By Myself.”

Ang mga magulang ni Camille ay kababata nina Manda Icasiano (ADN Editor) at ni Richard Gappi (RNO Editor) na kapwang naninirahan sa Venus Compound.

Panoorin ang naturang video:

http://www.facebook.com/photo.php?v=368017073275953&set=vb.100002029916730&type=2&theater