Matagumpay na idinaos ang pagtatapos ng mga Iskolar ng computer training sa bayan ng Angono nitong nakarang lingo, ika-27 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Sa pangalawang pagkakataon, nagtala ang bayan ng Angono ng pinakamaraming bilang ng mga nagsipagtapos sa lalawigan ng Rizal sa nasabing programa.  Matatandaan na humigit 400 na estudyante ang naging iskolar ng programang ito noong nakaraang taon, kabilang na ang 72-year old na lola.

Makikita sa larawan si Angono Mayor Gerry Calderon habang nagbibigay ng mensahe sa  mga iskolar ng idinaos na computer training. (Litrato ni Edwin Rivera, KKK Office)

Ngayong taon, humigit 300 na estudyante mula sa nasabing bayan ang nabigyan ng libreng training sa Basic Application Software at Basic Computer Technician.  Pinasinayaan ni Angono Mayor Gerry V. Calderon ang kanyang mga iskolar sa nasabing pagtatapos, kasama ang Bagong Henerasyon (BH) Party List, at Cong. Joel Roy Duavit.  Ito ay sa suporta na rin ni Gov. Jun Ynares III.

Mula sa kaliwa, sina BH Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy, Cong. Joel Roy Duavit ng 1st Dist. of Rizal, at Angono Mayor Gerry V. Calderon, habang kumakanta sa kanilang likuran ang choir ng URS-Angono. (Litrato ni Edwin Rivera, KKK Office)

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng BH Party Party List Rep. Bernadette Herrera-Dy na siyang nag-provide ng Computer Van.  Dito nakalagak ang mga computer units kung saan ginanap ang training ng BAS o Basic Application Software.  Tinuruan ang mga estudyante ng basic word, excel at powerpoint application.  Si Sir Frenchie Marty ang naging Trainer sa nasabing programa.

Samanatala, ang Basic Technician naman ay ginanap sa Youth & Training Center ng Angono sa Brgy. Kalayaan.  Si Ma’m Rachelle Ruiz naman ang trainer sa programang ito.

Si Rep. Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon Party List habang nagbibigay ng kanyang mahalagang mensahe sa mga nagtapos ng computer training. (Litrato ni Edwin River, KKK Office)

Ang van ng COW (Computer School-on-Wheels) ay ipinamahala na ng BH Party List sa Unang Distrito ng Rizal sa pamamagitan ni Cong. Joel Roy Duavit.  Ito ay iikot sa ibat-ibang bayan ng naturang distrito upang magbigay ng libreng computer training sa mga nasabing programa.

Isa sa mga nagtapos at binigyan ng medal ay si Benedict, isang utility man sa munisipyo ng Angono.  Siya ay dating hindi marunong gumamit ng computer ay ngayo’y nakakapag-type at nakakagawa na ng powerpoint presentation.

Katuwang ang Office of the Mayor at ng KKK Office, ang Community Training & Livelihood Office (CTLO) ng Angono  ang siyang muling maayos na nag-organisa ng computer training sa taong ito.  Si Angelo San Juan ang Office Coordinator ng CTLO.

___

Manda Icasiano

IEC – Municipal Information Office

Oct. 1, 2012 | Angono, Rizal