Isang suspek sa pagnanakaw ang nagsumbong kay Raffy Tulfo sa programa nito sa TV5 noong lunes, Oktubre 8.

Si Rigor Computo y Luchavez, ay nabilanggo noong June 29, 2012 sa Angono BJMP sa kasong Robbery.  Siya ay nagtungo sa himiplan ng programa ni Tulfo upang isumbong at ireklamo ang umano’y pagpapakawala sa kanyang bilangguan sa Angono upang magsagawa ng Robbery Hold-up sa komunidad.

Sa phone-patch radio interview ng programa ni Tulfo kay Police Superintendent Resty Olais Damaso, hepe ng Angono PNP, mariing pinabulaanan nito ang mga akusasyon ni Rigor Computo.  Ang nasabing interview ay mabilis na kumalat sa komunidad, dahilan upang hingan ng paliwanag ni Angono Mayor Gerry Calderon ang nasabing iregularidad sa Angono PNP noong Oct. 9.

 

Liham ni Mayor Gerry Calderon kay P/Supt. Damaso upang magbigay ng paliwanag ukol sa lumabas na isyu sa Angono PNP.

Mabilis naman itong sinagot ni P/Supt Damaso noong Oct. 10, at sa pamamagitan ng isang liham, ay muling nitong  itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya at sa kanilang himpilan. “This Station strongly denies the malicious accusations by subject person as he is not a detainee in the lock-up jail of this Station…” paliwanag ni Damaso.

Ayon sa liham ni hepe kay Mayor Gerry, ang naturang bilanggo ay nailipat na ng kulungan mula Angono BJMP patungo sa Cardona BJMP noong Aug. 29, 2012 pa.  “Hence, custody over the said person is automatically terminated” dagdag pa ni Damaso.

Liham ni P/Supt Damaso kay Mayor Gerry Calderon

Sinabi rin niya na ang mga maling akusasyon ay mga paninira lamang at black propaganda laban sa kanya at sa buong himpilan.  “Further, this Station in the leadership of the undersigned faithfully denied the said accusations made by Mr. Tulfo, and ready to face any accusations heartfully.  Likewise, this Station has a very good police community/media relations and accomplishments”, dagdag na paliwanag ni Damaso.

Si Police Superintendent Damaso ay naitalaga bilang hepe ng  Angono PNP noong August 13, 2012, ilang linggo bago inilipat ng kulungan ang suspek na si Computo sa Cardona BJMP.

******

Manda Icasiano | Angono Dream News ONLINE |Oct. 11, 2012 | 10:05 am