***

October 30, 2012 | Martes | 9:10am | Tagaytay City

Manda Icasiano

Angono Dream News Online

***

Kasalukuyang ginaganap ngayon dito sa Tagaytay City ang isang Training / Seminar na tatalakay at magsasanay sa mga Lupon ng Barangay sa Angono, upang palawakin ang kanilang kaalaman at kakayahan nito sa paghawak ng mga kaso ng mga bata.

Tinawag na “Training on the Role of Community in Handling Children’s Cases,” ang nasabing training ay pinangunahan ng CRIBS Foundation, Inc., isang NGO kung saan isa sa kanilang advocacy ay ang pangalagaan ang karapatan ng mga batang naabuso sa Pilipinas.

Ang lugar kung saan ginanap ang Seminar / Training on the Role of the Community in Handling Children Cases

Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), inimbitahan nito ang mga Lupon ng Barangay mula sa iba’t-ibang Barangay sa Angono, kung saan umatend ang Brgys. San Isidro, Kalayaan, Mahabang Parang, San Vicente, at Poblacion. Ibaba.  Umabot sa 35 (tatlumput lima) delegado ang umatend sa nasabing training.  Dumating ang mga delegado  dito sa St. John the Baptist Retreat House kagabi kung saan sinimulan din agad  ang Orientation ng programa.

Pinangunahan ni Ms. Josefina M. Dimalaluan, Executive Director ng CRIBS Foundation ang Training/Seminar na tumalakay sa CNSP (Children in Need for Special Protection)

Sa unang parte ng seminar, pinangunahan ni Ms. Josefina M. Dimalaluan, Executive Director ng CRIBS Foundation ang Training/Seminar na tumalakay sa CNSP (Children in Need for Special Protection).

Tinalakay naman Ms. Luisita S. Vestra, SWO III ng Angono, Rizal ang Case Management patungkol sa CICL (Children in Conflict with the Law)

Tinalakay naman Ms. Luisita S. Vestra, SWO III ng Angono, Rizal ang Case Management patungkol sa CICL (Children in Conflict with the Law).

Tinalakay ni Ms. Linda Estipular, DILG Officer ng Angono, Rizal mga panuntunan ng BCPC o ang Barangay Council for the Protection of Children.

Ang ikatlong parte ng Training ay pinangasiwaan ni Ms. Linda Estipular, DILG Officer ng Angono, Rizal.  Tinalakay nya ang role na dapat gampanan ng bawat Barangay sa itatakdang Barangay Council for the Protection of Children.  Ito ang lupon na mangangasiwa sa kapakanan ng mga bata sa kanilang nasasakupan.

Ang ilan sa mga litrato na kuha sa Seminar / Training ng CRIBS Foundation. (Litrato ni Manda Icasiano)

Natapos ang Seminar sa pamamagitan ng isang workshop na sinalihan ng lahat ng mga participants ng Training.