Tinanggap ni Angono police chief PSupt. Resty Damaso ang best police station award kay Rizal Provincial Police Director SSupt Rolando B. Anduyan. (Litrato mula sa Angono police)

Tinanggap ni Angono police chief PSupt. Resty Damaso ang best police station award kay Rizal Provincial Police Director SSupt Rolando B. Anduyan. (Litrato mula sa Angono police)

Pinarangalan ng Rizal Provincial Police ang kapulisan ng Angono bilang Best Police Station sa lalawigan ng Rizal.
Ginanap ang paggagawad noong November 27, 2012 sa Rizal Police Provincial Office.
Ang parangal ay iginawad ni provincial police director PSSupt Rolando B. Anduyan at tinanggap ni Angono police chief PSupt Resty Damaso, na kinilala din bilang best chief of police sa lalawigan ng Rizal.
Naging basehan sa parangal ang matagumpay at epektibong pangangasiwa ng Angono police sa larangan ng resource management, law enforcement, crime prevention and solution, internal security operations at police community relations.
Ayon sa kapulisan ng Angono, naging matagumpay sila dahil na rin sa tulong ng mamamayan na lumahok sa mga Barangay Pulong-Pulong/Ugnayan at mga nagboluntaryo bilang kasapi ng Barangay Peace Action Team o BPAT.
“BPATs are now cooperating and giving information to proper authority and resulted  positive outcome which made criminal elements hesitant in committing crimes within our area  of responsibility,” ayon sa ulat ng kapulisan.
Si Angono police chief Damaso ay naging hepe ng kapulisan noong August 13, 2012.
Samantala, binati at pinuri ni Mayor Gerry Calderon ang kapulisan sa parangal na kanilang natanggap.
“Ang award na ito ay patunay na numero uno tayo pagdating sa peace and order at mahigpit na pinagkakatiwalaan at sinusuportahan ng mamamayan ang ating kapulisan. Dahil sa peace and order at mabilis na pagsugpo ng mga krimen, nahihimok natin ang mga investor upang dito mag-business at paglaon ay mag-ambag sa pag-unlad ng ating bayan,” wika ni Mayor Gerry.
____
Rizal News Online | Richard Gappi