Masayang sumama ang Unang Ginang ng Angono na si Ma'm Ida Calderon sa pagtatapos ng Pamaskong Palaro sa Venus na ginanap noong Dec. 30, 2012.
Masayang sumama ang Unang Ginang ng Angono na si Ma’m Ida Calderon sa pagtatapos ng Pamaskong Palaro sa Venus na ginanap noong Dec. 30, 2012.

 

Sa unang pagkakataon, idinaos ng isang samahan mula sa mga subdivision sa Angono ang Pamaskong Palaro ngayong taon sa Venus Comp., Angono, Rizal.

Sabado_3D

Ang “Sabado Club”, isang samahan ng mga taga-subdivision, ay nagpamalas ng kasiyahan sa mga batang taga-Venus Compound, Baytown at mga karatig na komunidad.  Ito ay dinaluhan ng kulang isang daan (100) na mga bata na may edad-dose (12 yrs. old) pababa.

Nagsimula ang palaro sa isang panalangin mula sa anak ng dating youth member ng Venus, at sinundan ito ng mga masasayang palaro, magarbong kainan ng mga bata at higit sa lahat, ang pamimigay ng mga regalo para sa lahat ng batang dumalo sa palaro.

Si Rhea Gappi-Ensamtan, isa ring dating aktibong kabataan sa Venus Compd., ang nangasiwa ng programa kasama si Manda Icasiano, samantalang ang lahat naman ng myembro ng grupo ang siyang nag-asikaso sa mga bata habang ang mga ito’y naglalaro.

Ang ilan sa mga tumulong upang maging successful ang palarong ito ay ang mga sumusunod:

1: Mr. & Mrs. Larry Formento – Food Catering (+ mga alak) & Site Decor + Sound System;
2: Mr. Bert Formento – Chief Cook (with Une & Mino);
3: Mr.& Mrs. Rodel Ablaza – for the (100) one hundred ++ gift items for raffle + Chairs & Tables;
4: Mrs. Rhea Gappi-Ensamtan – for the Mobile phone + Gas Stove + cash prizes for raffle…
5: Mr. Rene/Lando Gappi – for additional cash prizes for raffles…
6: Mr. Fred De Luna – for P1,000 cash donation;
7: Hon. Snooky Reyes & Lucio San Pedro – for P200 each (cash donation);
8: Mr. Mike&Russel Icasiano – for the Gift Cheque (P200);
9: Ms. Perps Gappi – for the Gift Cheque (P500);
10. Mrs. Emy Moreno – for the gift items;
11: Manda Icasiano – for the tarps, tags, & program preps;
12: Jun de Luna / Frank Binay – for utility works;
13: Venus Youth (Dave, Rap, etc.,) for site prep. assistance;
14: Cris Lobigas, Puchie & Reggie Sabalza – for the registration asst.;
15: Doni Sabalza – for Food prep.
16: Hon. Mayor Gerry Calderon – for donating 1 cavan of Rice (re-packed into 25 packs + Rice Mate);
17: Mr. Noli Tupaz – for the gifts items for raffles;

18: Mr. Ed Consul – for the kwitis, etc…

 

Ang Pamaskong Palaro sa Venus ay taunang ginaganap noon sa Venus Compd., subalit nahinto ng ilang taon dahil na rin sa hindi pagtuloy at pagtutok ng mga opisyal ng kabataan at ng kasalukuyang  homeowners sa Venus Compound.

 

Plano ng Sabado Club na magsagawa ng iba’t-ibang proyekto  ngayong taon, hindi lamang sa Venus kundi pati na rin sa ibang lugar sa Angono.

 

Panauhing pandangal si Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon sa naturang palaro, at siya ay iniriprisinta ni Ma’m Ida Calderon, ang unang Ginang ng Angono.

 

Manda Icasiano

Dec. 30, 2012

Venus Compound | Angono, Rizal