Archive for February, 2013


Angono sa San Beda!

Tayo na sa San Beda Alabang Museum para sa isang Exhibit na tampok ang mga Artist ng Angono at ang kanilang mga obra! Tatagal po ang exhibit hanggang Marso 22. Ito ay bilang pagkilala ng San Beda sa mga alagad ng Sining ng ating Bayan!  Maraming Salamat Po!

555059_550692051631796_486519259_n

Advertisements

gma_profile_pic_low_resFebruary 21, 2013, Thursday
Angono, Rizal

Dahil sa ipinamalas ninyong pagtutulungan, pagsasamahan, at sa diwa ng ‘bayanihan’ na ipinakita ng mga taga-Angono noong Hagupit ng Habagat, ay taos-pusong inihahandog ng Kapuso Foundation ang ‘Multi-Purpose Center’ na ito upang magamit ninyo hindi lamang sa panahon ng kalamidad, kun’di para na rin sa mga batang mag-aaral at sa buong mamamayan ng Angono.”  

Ito ang may mababang-loob na binigkas ni G. Winifred Avendaño, ang opisyal ng GMA Foundation, Inc. at s’yang kumatawan kay G. Mel Tiangco, sa ginanap na “M.O.A. Signing at Groundbreaking Ceremony” para sa itatayong Kapuso Multi-Purpose Center sa open-space ng Angono Elementary School, sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ang litrato ng "Multi-Purpose Center" na itatayo sa loob ng Angono elementary School, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ang litrato ng “Multi-Purpose Center” na itatayo sa loob ng Angono Elementary School, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Makikita sa larawan (mula sa kaliwa, nakaupo) sina Dr. Carlito D. Rocafort, Schools Div. Superintendent ng DepEd-Rizal; G. Winifred Avendaño, GMA Kapuso Foundation Officer at kumatawan ka Gng. Mel Tiangco; Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon; Dr. Luzviminda F. Tompong, Supervisor, DepEd-Angono District.Makikita namang nakatayo sa kanilang mga likuran ang ilan sa mga Kapitan ng Barangay sa Angono at mga kawani ng munisipyo, bilang mga saksi sa nasabing MOA Signing.

Makikita sa larawan (mula sa kaliwa, nakaupo) sina Dr. Carlito D. Rocafort, Schools Div. Superintendent ng DepEd-Rizal; G. Winifred Avendaño, GMA Kapuso Foundation Officer at kumatawan ka Gng. Mel Tiangco; Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon; Dr. Luzviminda F. Tompong, Supervisor, DepEd-Angono District.
Makikita namang nakatayo sa kanilang mga likuran ang ilan sa mga Kapitan ng Barangay sa Angono at mga kawani ng munisipyo, bilang mga saksi sa nasabing MOA Signing.

Sa isang simpleng seremonyas, pinangunahan ni Mayor Gerry Calderon ng Angono, Rizal ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU, ng GMA Kapuso Foundation at ng Department of Education.

Ang Kapuso Multi-Purpose Center ay kauna-unahang itatayo sa bayan ng Angono.  Sumunod sa Calumpit, Bulacan, na napagkalooban din ng parehong istraktura, pangalawa ang bayan ng Angono sa buong Pilipinas na mapapagkalooban ng ganitong klaseng gusali na magmumula sa GMA Kapuso Foundation.

Ang mga kumatawan kina Cong. Joel Duavit na si G. Bong Lopez, at Bokal Ato Bernardo na kumatawan naman kay Gov. Jun Ynares na nagbigay ng mensahe at papuri para sa mamamayan ng Angono.  Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Mayor Gerry Calderon.

Ang mga kumatawan kina Cong. Joel Duavit na si G. Bong Lopez, at Bokal Ato Bernardo na kumatawan naman kay Gov. Jun Ynares na nagbigay ng mensahe at papuri para sa mamamayan ng Angono. Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Mayor Gerry Calderon.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Gerry Calderon ang kahalagahan ng ‘Public-Private Partnership (PPP).’

“Napakalaking bagay at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pribadong sektor sa mga ganitong proyekto na ang makikinabang ay ang buong mamamayan ng Angono.” wika ni Mayor Gerry.  Pinasalamatan niya ang GMA Kapuso Foundation “sa malaking konstribusyon nito sa bayan ng Angono, hindi lamang noong panahon ng Habagat, kun’di mas higit pa ngayon sa proyektong isasagawa nito sa ating bayan,”  dagdag pa ni Mayor Gerry.

DSCN0932

DSCN0928

Pagkatapos ng pirmahan ng MOA, pinasinayaan nina Mayor Gerry Calderon, kasama ang mga opsiyal ng DepEd, GMA Kapuso Foundation, Liga ng mga Barangay, at ang ilan sa mga estudyante ng Angono Elementary School ang “Groundbreaking Ceremony” kung saan itatayo ang aktwal na Kapuso Multi-Purpose Center.

Makikita sa larawan ang mga nanguna sa "Groundbreaking Ceremony" ng GMA Kapuso "Multi-Purpose Center"

Makikita sa larawan ang mga nanguna sa “Groundbreaking Ceremony” ng GMA Kapuso “Multi-Purpose Center”

Sisimulan ngayong buwan ang pagtatayo ng Kapuso Multi-Purpose Center at inaasahang matatapos ito bago magsimula ang klase sa Hunyo, taong kasalukuyan.

***

Samantala, sa mga kaugnay na balita, isang Grade 5 na estudyante mula sa Angono Elementary School, ang surpresang nag-alay ng awiting “Power of Love”  habang nagpipirmahan ng MOA ang ating mga Kapuso. 

Si Angel Gomez, Grade 5 pupil na umaawit ng "Power of Love" habang nagpipirmahan ng MOA, para sa ating mga Kapuso.

Si Angel Gomez, Grade 5 pupil na umaawit ng “Power of Love” habang nagpipirmahan ng MOA, awiting inialay niya bilang pasasalamat para sa ating mga Kapuso.

Kasabay nito ang mga intermission number(s) na inihandog ng Arts Noveau Chorale ng Angono Regional Pilot School for the Arts (ARPSA) na talaga namang nagpamalas ng kanilang mga talento sa pagkanta.

Arts Noveau Chorale ng ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts)

Arts Noveau Chorale ng ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts)

Ulat ni Manda Icasiano|Public Information Office * Litrato ni Edwin Rivera | KKK Office

The WordPress.com stats prepared a 2012 annual report for Angono Dream News Online!

Here’s an excerpt:

4,329 films were submitted to the 2012 Cannes Film Festival.  Angono Dream News Online had 45,000 views in 2012. If each view were a film, this blog would power 10 Film Festivals!

Click here to see the complete report.

FB-Posting

Matagumpay na idinaos sa bayan ng Angono, Rizal ang isang SURGICAL, DENTAL at OPHTHAL MISSION noong Jan. 29, 30, at 31, 2013.  Ito ay pinangunahan ng mga espesyalista na taga-Wichita County Medical Alliance na mula pa sa Texas, USA.

Sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Government at ng Municipal Government of Angono sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon,  idinaos ang nasabing surgical operation sa Rizal Provincial Hospital – Angono Annex at sa isang modernong trailer van na dinala ng nasabing grupo para sa mga minor surgeries.

01

Ang trailer truck kung saan ginawa ang ilang minor surgeries ng mga pasyente ng nasabing mission.

02

Ang modernong set-up sa loob ng trailer truck o ang Surgical Van na ginamit ng Wichita Group sa kanilang operasyon.

Sa ulat ng Angono Mun. Health Office, ang mga sumusunod na bilang ng mga pasyente na napagsilbihan ng nasabing mission ay ang mga sumusunod:

Hernia = 29

Goiter = 2

Breast Mass = 3

Hemorrhoid = 4

other surgeries =  125

Dental Extractions = 487

Ophthal check-up with eyeglass distribution =  1,024 pairs.

03

Ang ilan sa mga foreign doctors mula sa Wichita, kasama ang ating mga lokal na doktor, sa pangunguna ni Dr. Jose Lozo, ang Municipal Health Officer ng Angono.

Sa kabuuan, may 1,674 na pasyente na pawang mga indigent residents mula sa bayan ng Angono ang napagsilbihan ng nasabing medical mission.  Kung susumahin, ito ay aabot sa halagang 5.2M Pesos na katumbas na mga gamot, operasyon, medical fees, at iba pang mga gastusin, ayon sa report ng Angono Health Office.

Ang ilan sa mga pasyente na kinukuha ang kanilang mga salamin matapos  masukatan ng grado ng mata.  Litrato ni Edwin River, KKK Office.

Ang ilan sa mga pasyente na kinukuha ang kanilang mga salamin matapos masukatan ng grado ng mata. Mga Litrato ni Edwin River, KKK Office.

Natapos ang nasabing Medical Mission sa pamamagitan ng isang Farewell at Thanksgiving Party na ginanap sa Scrapyard Resort noong ika-31 ng Enero.  Dito pinasalaamatan sila ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa mga kabutihan at kagandahang loob na kanilang ipinamalas para sa mga mahihirap nating kababayan sa Angono.

Si Ms. Martha Picado Seegers ang Pangulo ng Wichita County Medical Alliance, at si Sir Tito V. Tolentino ang Coordinator ng nasabing Medical Mission.

Si Sir Tito na isang taga-Angono at myembro ng nasabing grupo sa Amerika, ay nabigyan ng parangal upang magkaroon ng titulong “Sir” mula kay King Albert II ng Kingdom of Belgium noong September 25, 2006.

***

Ulat ni Manda Icasiano | Angono Mun. Information Office

Litrato ni: Edwin Rivera | KKK Office

3ft x 6f_FLAT copy

Ang kahinaan ng isang mag-aaral sa klase ay hindi lamang bungsod ng kanyang kahinaan na sumunod sa lektyur ng guro, bagkus, isa sa dahilan nito ay ang malabong paningin na siyang nagiging dahilan ng mabagal niyang pagsunod sa mga aralin sa klasrum.

Ito ang nagbungsod sa Phoenix Philam-Am Lions Club ng Arizona, USA, sa pamamagitan ng Binangona Lions Club, upang magsagawa ng ophthalmic screening sa may 655 na estudyante mula sa limang (5) pampublikong eskwelahan sa bayan ng Angono, Rizal.   Ang programang ito ay tinawag na “Sight for Kids.”

Sa pakikipagtulungan ng Angono Municipal Health Office, at sa koordinasyon ng Office of the  Mayor – Hon. Gerry Calderon, umikot ang mga nasabing opisina sa limang pampublikong paaralan sa Angono upang tukuyin ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 na mahihina ang mga paningin sa klase.  Ang mga bilang na mabibigyan ng libreng salamin ay magmumula sa mga sumusunod na paaralan:

Angono Elementary School – 284;

Doña Justa Guido elem. School – 20

Doña Nieves Songco Elem. School – 95

Joaquin Guido Elem. School – 209

San Vicente Elem. School – 47

Sa kabuuan, may 655 na mga estudyanteng malalabo ang paningin ang magkakaroon ng bago at libreng mga salamin.  Sila ay susukatan ng grado ng salamin sa mata sa Miyerkules, ika-13 ng  Pebrero sa Angono Elementary School.  Ang aktwal na pamimigay ng mga salamin ay gaganapin naman sa susunod na buwan ng Marso.

***

Samantala, para naman sa mga nais pang humabol sa programang ito, maaring tumungo sa Ynares Center sa Antipolo, sa ika-11,12,14 at 15 ng Pebrero, at pumunta lamang sa Fitness Room ng nasabing gusali.  Magdala lamang ng kaukulang dokumento.  Ito naman ay bukas sa may mga edad-40 pataas.

(Related link: https://angonodreamnews.wordpress.com/2013/02/12/public-service-libreng-eyeglass-distribution/

***

Manda Icasiano | Public Information Office

Office of the Mayor

Angono, Rizal

 

Magkakaroon po ng LIBRENG EYEGLASS DISTRIBUTION (doble vista at reading glasses) para sa mga may EDAD 40 pataas (40 years old & above) Ito po ay gaganapin sa ika-11, 12, 14 at 15 ng Pebrero sa FITNESS ROOM, 
YNARES CENTER, ANTIPOLO, RIZAL mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Isang handog ngayong Buwan ng mga Puso mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni 
Governor Jun Ynares at sa pakikipagtulungan ng Phoenix Phil-Am Lions Club.

*Wala pong requirements na kailangang dalhin pero pinapayuhan na rin po namin kayo na magdala ng mga IDs kung sakaling hanapin. Maraming salamat po..

 

Magkakaroon po ng LIBRENG EYEGLASS DISTRIBUTION (doble vista at reading glasses) para sa mga may EDAD 40 pataas (40 years old & above) Ito po ay gaganapin sa ika-11, 12, 14 at 15 ng Pebrero sa FITNESS ROOM, YNARES CENTER, ANTIPOLO, RIZAL mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

 

Isang handog ngayong Buwan ng mga Puso mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pamumuno ni
Governor Jun Ynares at sa pakikipagtulungan ng Phoenix Phil-Am Lions Club.


*Wala pong requirements na kailangang dalhin pero pinapayuhan na rin po namin kayo na magdala ng mga IDs kung sakaling hanapin. Maraming salamat po..

 

arpsa+trophies
Ulat at mga litrato ni Richard R. Gappi
Sa flag raising ceremony na ginanap kahapon, February 4, pinuri ni Mayor Gerry Calderon ang mga mag-aaral ng Angono Regional Lead School for the Arts (ARLSA) na nanalo ng anim na 1st place sa iba’t ibang patimpalak sa Regional Festival of Talents.
Ginanap ang nasabing festival na pinangasiwaan ng Department of Education sa Nasugbu, Batangas noong January 16-18, 2013.
Kabilang sa napanalunan ng ARLSA ang 1st place sa Contemporary Street Dance, Best Song Writing, Best OPM Song Writing, Best Group sa On-the-Spot Painting, Best Painting, at Best Film.
Pinuri ni Mayor Gerry ang mga mag-aaral ng Regional Lead School for the Arts dahil sa kanilang tagumpay na nagpapatunay na magaling ang mga taga-Angono at Rizalenyo at lalo nitong naitatampok ang bayan bilang "Art Capital of the Philippines."

Pinuri ni Mayor Gerry ang mga mag-aaral ng Regional Lead School for the Arts dahil sa kanilang tagumpay na nagpapatunay na magaling ang mga taga-Angono at Rizalenyo at lalo nitong naitatampok ang bayan bilang “Art Capital of the Philippines.”

Ayon kay Mayor Gerry, ang mga tagumpay ng ARLSA ay patunay na magagaling ang mga taga-Angono at lalong nagpapatampok sa bayan bilang “Art Capital of the Philippines.”
Nagpasalamat naman kay Mayor Gerry ang mga taga-ARLSA dahil sa maraming tulong at suporta ang ibinibigay ng punongbayan sa lahat ng gawain at kompetisyong sinasalihan ng nasabing eskwelahan.
Dating pangalan ng ARLSA ay Angono Regional Pilot School for the Arts. Si Mrs. Amihan Reyes-Fenis ang principal dito.
Create a free website or blog at WordPress.com.
[ Back to top ]
%d bloggers like this: