3ft x 6f_FLAT copy

Ang kahinaan ng isang mag-aaral sa klase ay hindi lamang bungsod ng kanyang kahinaan na sumunod sa lektyur ng guro, bagkus, isa sa dahilan nito ay ang malabong paningin na siyang nagiging dahilan ng mabagal niyang pagsunod sa mga aralin sa klasrum.

Ito ang nagbungsod sa Phoenix Philam-Am Lions Club ng Arizona, USA, sa pamamagitan ng Binangona Lions Club, upang magsagawa ng ophthalmic screening sa may 655 na estudyante mula sa limang (5) pampublikong eskwelahan sa bayan ng Angono, Rizal.   Ang programang ito ay tinawag na “Sight for Kids.”

Sa pakikipagtulungan ng Angono Municipal Health Office, at sa koordinasyon ng Office of the  Mayor – Hon. Gerry Calderon, umikot ang mga nasabing opisina sa limang pampublikong paaralan sa Angono upang tukuyin ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 na mahihina ang mga paningin sa klase.  Ang mga bilang na mabibigyan ng libreng salamin ay magmumula sa mga sumusunod na paaralan:

Angono Elementary School – 284;

Doña Justa Guido elem. School – 20

Doña Nieves Songco Elem. School – 95

Joaquin Guido Elem. School – 209

San Vicente Elem. School – 47

Sa kabuuan, may 655 na mga estudyanteng malalabo ang paningin ang magkakaroon ng bago at libreng mga salamin.  Sila ay susukatan ng grado ng salamin sa mata sa Miyerkules, ika-13 ng  Pebrero sa Angono Elementary School.  Ang aktwal na pamimigay ng mga salamin ay gaganapin naman sa susunod na buwan ng Marso.

***

Samantala, para naman sa mga nais pang humabol sa programang ito, maaring tumungo sa Ynares Center sa Antipolo, sa ika-11,12,14 at 15 ng Pebrero, at pumunta lamang sa Fitness Room ng nasabing gusali.  Magdala lamang ng kaukulang dokumento.  Ito naman ay bukas sa may mga edad-40 pataas.

(Related link: https://angonodreamnews.wordpress.com/2013/02/12/public-service-libreng-eyeglass-distribution/

***

Manda Icasiano | Public Information Office

Office of the Mayor

Angono, Rizal