FB-Posting

Matagumpay na idinaos sa bayan ng Angono, Rizal ang isang SURGICAL, DENTAL at OPHTHAL MISSION noong Jan. 29, 30, at 31, 2013.  Ito ay pinangunahan ng mga espesyalista na taga-Wichita County Medical Alliance na mula pa sa Texas, USA.

Sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Government at ng Municipal Government of Angono sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon,  idinaos ang nasabing surgical operation sa Rizal Provincial Hospital – Angono Annex at sa isang modernong trailer van na dinala ng nasabing grupo para sa mga minor surgeries.

01

Ang trailer truck kung saan ginawa ang ilang minor surgeries ng mga pasyente ng nasabing mission.

02

Ang modernong set-up sa loob ng trailer truck o ang Surgical Van na ginamit ng Wichita Group sa kanilang operasyon.

Sa ulat ng Angono Mun. Health Office, ang mga sumusunod na bilang ng mga pasyente na napagsilbihan ng nasabing mission ay ang mga sumusunod:

Hernia = 29

Goiter = 2

Breast Mass = 3

Hemorrhoid = 4

other surgeries =  125

Dental Extractions = 487

Ophthal check-up with eyeglass distribution =  1,024 pairs.

03

Ang ilan sa mga foreign doctors mula sa Wichita, kasama ang ating mga lokal na doktor, sa pangunguna ni Dr. Jose Lozo, ang Municipal Health Officer ng Angono.

Sa kabuuan, may 1,674 na pasyente na pawang mga indigent residents mula sa bayan ng Angono ang napagsilbihan ng nasabing medical mission.  Kung susumahin, ito ay aabot sa halagang 5.2M Pesos na katumbas na mga gamot, operasyon, medical fees, at iba pang mga gastusin, ayon sa report ng Angono Health Office.

Ang ilan sa mga pasyente na kinukuha ang kanilang mga salamin matapos  masukatan ng grado ng mata.  Litrato ni Edwin River, KKK Office.

Ang ilan sa mga pasyente na kinukuha ang kanilang mga salamin matapos masukatan ng grado ng mata. Mga Litrato ni Edwin River, KKK Office.

Natapos ang nasabing Medical Mission sa pamamagitan ng isang Farewell at Thanksgiving Party na ginanap sa Scrapyard Resort noong ika-31 ng Enero.  Dito pinasalaamatan sila ng Lokal na Pamahalaan ng Angono sa mga kabutihan at kagandahang loob na kanilang ipinamalas para sa mga mahihirap nating kababayan sa Angono.

Si Ms. Martha Picado Seegers ang Pangulo ng Wichita County Medical Alliance, at si Sir Tito V. Tolentino ang Coordinator ng nasabing Medical Mission.

Si Sir Tito na isang taga-Angono at myembro ng nasabing grupo sa Amerika, ay nabigyan ng parangal upang magkaroon ng titulong “Sir” mula kay King Albert II ng Kingdom of Belgium noong September 25, 2006.

***

Ulat ni Manda Icasiano | Angono Mun. Information Office

Litrato ni: Edwin Rivera | KKK Office