gma_profile_pic_low_resFebruary 21, 2013, Thursday
Angono, Rizal

Dahil sa ipinamalas ninyong pagtutulungan, pagsasamahan, at sa diwa ng ‘bayanihan’ na ipinakita ng mga taga-Angono noong Hagupit ng Habagat, ay taos-pusong inihahandog ng Kapuso Foundation ang ‘Multi-Purpose Center’ na ito upang magamit ninyo hindi lamang sa panahon ng kalamidad, kun’di para na rin sa mga batang mag-aaral at sa buong mamamayan ng Angono.”  

Ito ang may mababang-loob na binigkas ni G. Winifred Avendaño, ang opisyal ng GMA Foundation, Inc. at s’yang kumatawan kay G. Mel Tiangco, sa ginanap na “M.O.A. Signing at Groundbreaking Ceremony” para sa itatayong Kapuso Multi-Purpose Center sa open-space ng Angono Elementary School, sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ang litrato ng "Multi-Purpose Center" na itatayo sa loob ng Angono elementary School, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ang litrato ng “Multi-Purpose Center” na itatayo sa loob ng Angono Elementary School, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Makikita sa larawan (mula sa kaliwa, nakaupo) sina Dr. Carlito D. Rocafort, Schools Div. Superintendent ng DepEd-Rizal; G. Winifred Avendaño, GMA Kapuso Foundation Officer at kumatawan ka Gng. Mel Tiangco; Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon; Dr. Luzviminda F. Tompong, Supervisor, DepEd-Angono District.Makikita namang nakatayo sa kanilang mga likuran ang ilan sa mga Kapitan ng Barangay sa Angono at mga kawani ng munisipyo, bilang mga saksi sa nasabing MOA Signing.

Makikita sa larawan (mula sa kaliwa, nakaupo) sina Dr. Carlito D. Rocafort, Schools Div. Superintendent ng DepEd-Rizal; G. Winifred Avendaño, GMA Kapuso Foundation Officer at kumatawan ka Gng. Mel Tiangco; Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon; Dr. Luzviminda F. Tompong, Supervisor, DepEd-Angono District.
Makikita namang nakatayo sa kanilang mga likuran ang ilan sa mga Kapitan ng Barangay sa Angono at mga kawani ng munisipyo, bilang mga saksi sa nasabing MOA Signing.

Sa isang simpleng seremonyas, pinangunahan ni Mayor Gerry Calderon ng Angono, Rizal ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU, ng GMA Kapuso Foundation at ng Department of Education.

Ang Kapuso Multi-Purpose Center ay kauna-unahang itatayo sa bayan ng Angono.  Sumunod sa Calumpit, Bulacan, na napagkalooban din ng parehong istraktura, pangalawa ang bayan ng Angono sa buong Pilipinas na mapapagkalooban ng ganitong klaseng gusali na magmumula sa GMA Kapuso Foundation.

Ang mga kumatawan kina Cong. Joel Duavit na si G. Bong Lopez, at Bokal Ato Bernardo na kumatawan naman kay Gov. Jun Ynares na nagbigay ng mensahe at papuri para sa mamamayan ng Angono.  Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Mayor Gerry Calderon.

Ang mga kumatawan kina Cong. Joel Duavit na si G. Bong Lopez, at Bokal Ato Bernardo na kumatawan naman kay Gov. Jun Ynares na nagbigay ng mensahe at papuri para sa mamamayan ng Angono. Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Mayor Gerry Calderon.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Gerry Calderon ang kahalagahan ng ‘Public-Private Partnership (PPP).’

“Napakalaking bagay at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pribadong sektor sa mga ganitong proyekto na ang makikinabang ay ang buong mamamayan ng Angono.” wika ni Mayor Gerry.  Pinasalamatan niya ang GMA Kapuso Foundation “sa malaking konstribusyon nito sa bayan ng Angono, hindi lamang noong panahon ng Habagat, kun’di mas higit pa ngayon sa proyektong isasagawa nito sa ating bayan,”  dagdag pa ni Mayor Gerry.

DSCN0932

DSCN0928

Pagkatapos ng pirmahan ng MOA, pinasinayaan nina Mayor Gerry Calderon, kasama ang mga opsiyal ng DepEd, GMA Kapuso Foundation, Liga ng mga Barangay, at ang ilan sa mga estudyante ng Angono Elementary School ang “Groundbreaking Ceremony” kung saan itatayo ang aktwal na Kapuso Multi-Purpose Center.

Makikita sa larawan ang mga nanguna sa "Groundbreaking Ceremony" ng GMA Kapuso "Multi-Purpose Center"

Makikita sa larawan ang mga nanguna sa “Groundbreaking Ceremony” ng GMA Kapuso “Multi-Purpose Center”

Sisimulan ngayong buwan ang pagtatayo ng Kapuso Multi-Purpose Center at inaasahang matatapos ito bago magsimula ang klase sa Hunyo, taong kasalukuyan.

***

Samantala, sa mga kaugnay na balita, isang Grade 5 na estudyante mula sa Angono Elementary School, ang surpresang nag-alay ng awiting “Power of Love”  habang nagpipirmahan ng MOA ang ating mga Kapuso. 

Si Angel Gomez, Grade 5 pupil na umaawit ng "Power of Love" habang nagpipirmahan ng MOA, para sa ating mga Kapuso.

Si Angel Gomez, Grade 5 pupil na umaawit ng “Power of Love” habang nagpipirmahan ng MOA, awiting inialay niya bilang pasasalamat para sa ating mga Kapuso.

Kasabay nito ang mga intermission number(s) na inihandog ng Arts Noveau Chorale ng Angono Regional Pilot School for the Arts (ARPSA) na talaga namang nagpamalas ng kanilang mga talento sa pagkanta.

Arts Noveau Chorale ng ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts)

Arts Noveau Chorale ng ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts)

Ulat ni Manda Icasiano|Public Information Office * Litrato ni Edwin Rivera | KKK Office