Oplan: Bigay Lunas 2013 ng Mercury Drug, idinaraos ngayon sa Angono!

Kasalukuyang ginaganap ngayon araw na ito, ika-1 ng Marso, ang malawakang MEDICAL MISSION ng Mercury Drug sa Angono Gymnasium. Ito ay bilang pasasalamat ng nasabing kumpanya para pagdiriwang nila ng ika-68th taong Anibersaryo. Magtungo lamang sa Angono Gym hanggang alas-tres ng hapon (3PM) para sa libreng konsulta at mga gamot. Ito po ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Angono thru the Municipal Health Office at ng KKK Office. Maraming Salamat Po!