May 23, 2013 – Matagumpay na idinaos ngayong umaga sa bayan ng Angono ang pagtatapos ng “Supplemental Feeding Program” na nagsimula noong September 2012 at nagtapos nitong nakaraang Marso 2013. 

Masayang sinayaw ng mga bata ang sikat na "CHA-CHA" bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga nagtaguyod ng programang "Supplemental Feeding Program." kung saan sila ang naging mga beneficiaries.

Masayang sinayaw ng mga bata ang sikat na “CHA-CHA” bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga nagtaguyod ng programang “Supplemental Feeding Program.” kung saan sila ang naging mga beneficiaries. Litrato nina Edwin Rivera at Carlo Bautista, KKK Office)

Sa pangunguna ng “Kabisig ng Kalahi” Foundation,  kumuha sila ng mga batang may edad mula tatlo hanggang anim na taong gulang, kung saan base na rin sa pagsusuri ng Angono MSWD, ay nangangailangan ng karagdagang “nutrition.”

Sa taong ito, ang mga bata na isinali sa programa ay mula sa Barangay Kalayaan at Barangay San Vicente, sa bayan ng Angono.  May kabuuang 60 na batang “under-nourished” ang isinalang sa programa kung saan sila ay binigyan ng mga karampatang pagkain,  gatas at iba pang sangkap na makakatulong sa kanilang pangkalusugan at pangangatawan.  Ito ay isinagawa sa loob ng anim na buwan at tinutukan mismo ng kanilang mga magulang.

Masayang nagpakuha ng litrato ang mga batang sumalang sa "Supplemental Feeding Program"  kasama ang mga sponosr at ilang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angono.

Masayang nagpakuha ng litrato ang mga batang sumalang sa “Supplemental Feeding Program” kasama ang mga sponosr at ilang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angono. (Litrato nina Edwin Rivera at Carlo Bautista, KKK Office)

Sa tulong ng KKK Office at ng lokal na DSWD, ay natukoy nila ang mga batang nangangailangan ng karagdagang nutrisyon.  Ito ay base na rin sa datus ng mga nasabing opisina kung saan kumprehensibong tinukoy ang mga pamilyang karapat-dapat makinabang sa mga ganitong programa.

Ang Pamahalaang Bayan ng Angono, sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon, ay masigasig na itinataguyod ang panuntunan ng programa ng United Nations – ang 8 MDG (Millennium Development Goals) kung saan isa sa walong panuntuang nakasaad dito ay  “Eradicate extreme poverty and hunger” at “Reduce child mortality.”  Isa ito sa mga adhikain ng pamahalaan bayan ng Angono upang labanan ang malnutrisyon.

Si  Ms. Victoria Wieneke, pangulo ng Kabisig ng Kalahi Foundation, habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga magulang at mga bata.

Si Ms. Victoria Wieneke, pangulo ng Kabisig ng Kalahi Foundation, habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa mga magulang at mga bata.

 

Isa sa mga sumuporta sa programang ito ay ang Unilever Phils., at Mead Johnson Phils.,  at DSWD Region 4A.   Sinaksihan ni Ms. Victoria Wieneke, pangulo ng Kabisig at Kalahi Foundation ang naturang programa.

Ang programa ay pinangunahan nina Gelo San Juan (CTLO/PESO) at ni Mitchie Saenz (MSWD). 

 

______

MANDA ICASIANO

Public Information Office | Office of the Mayor

May 23, 2013 | Angono, Rizal