Ang artwork ni Jasper Espina kung saan nagwagi ito ng 1st Prize sa "Paint Your Town In a Shirt" Contest.

Ang artwork ni Jasper Espina kung saan nagwagi ito ng 1st Prize sa “Paint Your Town In a Shirt” Contest.

Sa pagdiriwang ng Ika-112 Taon “Araw ng Lalawigan ng Rizal,” nagwagi ang bayan ng Angono sa isang Painting Contest na ginanap sa SM Tayatay.

Pinamagatang “Paint Your Town in A Shirt,”  nasungkit ni Jasper Espina, isang mag-aaral sa URS-Angono ang 1st prize sa nasabing patimpalak.  Ito ay ayon na rin sa ulat ng lumikha ng nasabing painting/artwork.

Ayon naman kay Angono Tourism Officer Patnubay Tiamson, nag-2nd at 3rd place ang Cardona at Pililla samantalang 4th place naman ang Binangonan.

Halos isang linggo inieksibit sa publiko ang mga nasabing likhang sining sa Event Center ng nasabing mall.

Ginanap ang awarding noong June 12, sa SM Taytay na isa din sa mga sponsor sa nasabing patimpalak.

Makikita ang iba pang entries sa link na ito:

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.594332163934451.1073741895.144766688891003&type=3

___

Richard R. Gappi/aRNO

Manda Icasiano, ADN Online!

___

Source: http://www.rizalnewsonline.com/2013/06/arts-angono-champion-sa-painting.html