SM ANGONOJuly 11, 2013 – Nakipagpulong kay Mayor Gerry Calderon ang mga representative ng SM Corporation para sa itatayo nilang SM Center sa Angono.

Sisimulan ang pagtatayo ng tatlong palapag na gusali sa Agosto 5 — na kaarawan din ni Mayor Gerry — at inaasahan na mga taga-Angono ang kukuhaning manggagawa para itayo ito. Kapag operational na, ipaprayoridad din ang pag-empleyo sa mga taga-Angono.

Ito ang Perspective drawing ng itatayong SM Center sa Angono.

Ito ang Perspective drawing ng itatayong SM Center sa Angono.

Maglalaan din ng espasyo at gagawa ng programa ang SM Angono upang maitampok ang bayan ng Angono na kilala bilang ‘Art Capital of the Philippines.’ Ang SM Center Angono ay itatayo sa may hi-way sa dating lugar ng sabungan. Target ng SM Angono na maging kliyente at customer ang mga taga-Cardona, Binangonan, Antipolo, Angono at mga taga-Floodway sa Taytay, Rizal.

Aerial View ng SM Center Angono

Aerial View ng SM Center Angono

(Ulat at mga litrato ni Richard R. Gappi)