COMELEC copy

Dinagsa ng mga bagong botante ang Comelec office sa Angono upang mag-parehistro at makaboto sa nalalapit na Barangay Elections ngayong taon.  

Makikita sa larawan ang dagsa ng tao upang  magparehistro para sa barangay elections ngayong taon. (Litrato ni Richard Gappi)

Makikita sa larawan ang dagsa ng tao upang magparehistro para sa barangay elections ngayong taon. (Litrato ni Richard Gappi)

Ayon kay Angono Comelec officer Arthur Mercado, umabot sa mahigit 150 katao ang nagparehistro sa Angono Comelec Office na tatagal hanggang July 31.  

Samantala, sa Oct. 15-17 naman ang itinakdang petsa para sa magpa-file ng Certificates of Candidacy sa mga nais tumakbong Kapitan, Kagawad at mg SK Officials sa bansa.  Sampung araw lamang ang gaganaping pangangampanya bago sumapit ang araw Barangay Elections sa Oct. 28, 2013.  

Ang opisina ng Comelec ay bukas sa buong linggo kahit Sabado at Linggo,  mula  alas-otso hanggang alas-singko ng hapon.

(Ulat at litrato ni Richard R. Gappi / Manda Icasiano)