SM Center sa Angono, sisimulan na!

Sisimulan na ang pagpapatayo ng SM Center Angono sa pamamagitan ng isang Ground Breaking & Capsule-laying Ceremony sa Lunes, Aug. 5, 2013.

Ito ay dadaluhan ng mga opisyal ng nasabing establishimento na sina Gng. Annie Garcia, Presidente ng SM Supermalls, ABC Pres./Kap. Joey Calderon, Gov. Nini Ynares, Cong. Joel Roy Duavit at iba pang mga lokal/probinsyal na opisyales.

Ang programa ay pangungunahan mismo ni Mayor Gerry Calderon na siya ring magdiriwang ng kanyang kaarawan sa nasabing petsa.
***
/Manda Icasiano/Aug.2,2013