An artist perspective of the Angono Wetlands

An artist perspective of the Angono Wetlands

Feb. 19, 2014|8:11am

Nakatakdang bisitahin ngayong araw ng mga kinatawan mula sa World Bank at LLDA (Laguna Lake Dev’t. Authority) ang  “Angono Wetlands and Flood Control Project” na nakatakdang itayo sa mataas na lugar sa loob ng San Martin Subd., Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Ito ay matatagpuan malapit sa ARPSA (Angono Regional Pilot School for the Arts).  Inaasahang mababawasan, kung hindi man maibsan, ang mga pagbaha sa kapatagan ng Angono tuwing panahon ng tag-ulan, kung saan higit na naapektuhan ang mga subdivision sa ibaba, ang mga residente sa kapatagan at iba pang maliliit na lugar sa kabayanan ng Angono.  Magiging magandang pasyalan din ito kung saan matatanaw o ‘overlooking’ ang kagandahan ng Laguna Lake.

Ang halaga ng proyekto at aabot ng halos 5 milyon at inaasahang matatapos sa loob ng 120 calendar days.  Katuwang ng Lokal ng Pamahalaan ang LISCOP (Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation), at ang World Bank sa pagpapagawa ng naturang proyekto.

***

Ulat ni Manda Icasiano

Public Information Office

Office of the Mayor, Angono, Rizal

Advertisements