Tag Archive: ABS-CBN


Patuloy ang pagdagsa ng mga donasyon sa Angono mula sa iba’t-ibang organisasyon, kumpanya, ahensya ng gobyerno at mga indibiduwal mula sa iba’t-ibang lugar.

Noong nakalipas na linggo lamang ay bumisita na ang ABS-CBN Foundation, GMA Kapuso Foundation, TV5, Pepsi Cola Co., at iba pang malalaking establishimento upang magbigay ng kanilang mga relief goods.  Ang mga lokal na establishimento sa Angono tulad ng Save More at La Farge ay namahagi din ng mga grocery items sa iba’t-ibang evacuation centers.   Maging ang mga volunteers mula sa malalayong lugar tulad ng mga taga-UP Diliman ay namahagi hindi lamang mga relief goods, kundi pati na rin mga volunteer teachers para magbigay ng kaalaman sa mga batang nasa evacuation centers.

(Bisitahin ang link na ito para sa partial list ng mga donors > https://angonodreamnews.wordpress.com/2012/08/10/angono-partial-list-of-donors-as-of-aug-10-900-pm/)

Sako-sakong bigas, daan-daang botelya ng distilled water, mga grocery items, used clothes at mga food packs ay ang karamihang dumarating sa Relief Operation Center ng Angono.  Marami din namang  indibiduwal na direktang namamahagi ng mga pagkain sa labas ng evacuation centers.

Bumisita na rin si Gov. Jun Ynares sa evacuation center sa Angono Gym at Brgy, San Vicente upang mamahagi ng tulong.  Si Cong. Cynthia Villar ay personal ding bumisita sa munisipyo upang mag-iwan ng kanyang donasyong bigas.

Patuloy naman ang pagtanggap ng mga donasyon na boluntaryong nagbibigay ng tulong sa munisipyo.  Matatagpuan ang Relief Operations Center sa loob mismo ng munisipyo, at may kaukulang “acknowledgment form” na matatanggap ang mga donors.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring makipag ugnayan sa tanggapan ng Punog Bayan sa telepono bilang 651-0062, or sa KKK Secretariat – 661-5654.  Bukas ang kanilang tanggapan mula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi upang tumanggap ng mga donasyon.

Sa ngayon, mayroong  2,585 na pamilya, o 12,179 na indibiduwal ang naapektuhan ng pagbaha sa Angono dulot ng Habagat.

Advertisements


Pahayag
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa pagpanaw ni Rodolfo Quizon Sr.

[Ika-10 ng Hulyo 2012]

Mabuting tao si Dolphy, at kinatawan niya ang karaniwang Pilipino: malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa, at handang harapin ang mga hamon ng tadhana. Nagmula siya sa isang henerasyong dumaan sa maraming pagsubok—at sa pakikipagsapalaran ay natutong maging mapagpakumbaba, matapat, at matulungin. Hindi kailanman niya tinalikuran ang mga kaibigan, at ang sambayanang naging bukal ng kanyang mga tagumpay.

Sa loob ng mahabang panahon, ipinakita sa atin ni Dolphy na anumang pagsubok ay may katuwang na pag-asa at ligaya; mulat siyang anumang problema ay mapangingibabawan ng positibong pagtanaw sa kapalaran. Binago niya hindi lamang ang kaniyang industriya, kundi maging ang pambansang kamalayan: sa pamamagitan ng kaniyang sining, pinalawak ni Dolphy ang ating pananaw, at binigyan tayo ng kakayahang suriin, pahalagahan, at hanapan ng ngiti ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino.

Nakikiisa ako at ang aking pamilya, sampu ng ating mga kasamahan sa gobyerno, sa pagluluksa ng Pamilya Quizon ngayong gabi. Ang pagpanaw ni Rodolfo Quizon Sr.—ang nag-iisang Hari ng Komedya—ay tiyak na nagdudulot ng lumbay sa isang bansang matagal niyang pinasaya.

 

Rise and shine, mga KAPAMILYA! HAPPY TRABAHO na! AKO ANG SIMULA JOB FAIR!

Friday, Feb 17 at Saturday, Feb 18 sa Quezon City Hall Plaza mula 9 AM hanggang 5 PM!

Dalhin ang mga sumusunod: 
1. BIO-DATA or Resume
2. 2×2 ID PICTURES
3. BALLPEN
4. POLICE/NBI CLEARANCE (PHOTOCOPY & ORIGINAL)

PAUNAWA: 

1. Ito po’y LOCAL EMPLOYMENT lamang at walang overseas employment. 
2. Maari po lamang na dumating sa tamang kasuotan. Bawal ang naka-tsinelas, naka-sando at naka-shorts.

%d bloggers like this: